Nasabat ng CEZA o Cagayan Economic Zone Authority ang pitong kahon na naglalaman ng ilang mga armas sa Lal-lo Airport sa Cagayan.
Ayon kay CEZA Administrator Raul Lambino, idineklara ang kargamento bilang mga dragon fruits at mga lumang casino chips.
Pero nang kanila itong buksan at inspeksyunin, tumambad sa kanila ang ilang M16 rifles at mga hand guns.
Sinabi ni Lambino, nakatakda sanang dalhin ng ilang chinese nationals ang mga nasabing armas sa Cagayan North International Airport noong Hunyo 28 bago masabat.