Pinangangambahan ang deklarasyon ng martial law sa buong kapuluan sa harap ng sunod-sunod na pagpatay sa ilang lokal na opisyal.
Ayon kay dating Solicitor General Florin Hilbay, hindi malayong gamitin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga patayan para gawing nationwide ang martial law na ngayon ay umiiral sa Mindanao.
Nagbabala si Hilbay na maaaring gamitin ng Pangulo ang martial law para mapabilis ang hangarin niyang palitan ang sistema ng pamahalaan sa federalismo.
Ipinaalala ni Hilbay ang ginawa noon ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos nang palitan nito ang konstitusyon habang walang Kongreso dahil sa martial law.
—-