Isinusulong sa senado ang panukalang bigyan ng hazzard pay at dagdag na insurance benefits ang mga miyembro ng media na nasa field assignments.
Sa ilalim ng Senate Bill 1860 na inihain ni Senador Leila De Lima, magkakaroon ng 350,000 pisong death benefits ang isang mediaman at 200,000 pisong reimbursement kapag naospital dahil sa coverage.
Nakapaloob rin sa panukalang batas ang kahilingan sa Social Security System at Government Service Insurance System na bumuo ng isang insurance program para sa mga freelance journalists.
Layon ng panukala ni De Lima na mabigyan ng kompensasyon ang mga mamamahayag na malimit maipadala sa mga delikadong assignments.