Halos limampu (50) na ang nasawi sa flashfloods at landslides dulot ng malakas na pag-ulan dala ng habagat sa Nepal, simula pa noong huling linggo ng Hunyo.
Tinaya naman ng mga awtoridad sa sampu (10) ang nawawala ang habang nasa dalawampu (20) ang nasugatan at maraming imprustruktura ang napinsala tulad ng mga tulay at kalsada.
Tatlumpu’t anim (36) mula sa pitumpu’t pitong (77) distrito ng Nepal ang lubhang nasalanta ng kalamidad.
Patuloy ang search, rescue at relief operations ng mga awtoridad sa gitna ng inaasahan pang pag-ulang dala ng habagat na kadalasang nagsisimula tuwing Hulyo hanggang Setyembre.
—-