Nanindigan si Presidential Communications Secretary Martin Andanar na walang mali sa pagpapalabas ng Chinese shows sa PTV-4.
Ayon kay Andanar tiniyak ng kanilang tanggapan at ng PTV-4 na makabuluhan o may nakapaloob na information values ang kanilang ipinalabas na Chinese shows.
Sinabi pa ng opisyal na handa silang humarap sa isasagawang pagdinig ng Senado at Kamara ukol sa nasabing isyu.
Kasabay nito, kinumpirma ni Andanar na may memorandum of understanding ang PTV-4 sa Japan, Korea, China habang magkakaroon din ng kasunduan sa Cambodia, Thailand, Russia at ang pinakahuli sa isinasaayos pa lang ay ang Myanmar.
—-