Mabibigyang-daan ang pagiging unang Pangulo ng federal government ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbuo ng transition commission.
Duda ito ni Congressman Edcel Lagman matapos batikusin ang transition commission provision sa panukalang federal charter na binuo ng Consultative Committee.
Sinabi ni Lagman na ang pagbuo ng nasabing komisyon ay panlilinlang ng Con-Com para matiyak ang transition ng Pangulong Duterte bilang unang federal president lalo pat hindi ito pinagbawalang tumakbo sa unang eleksyon na itinakda sa ikalawang Lunes ng May 2022.
Nakasaad sa Article 22 ng draft charter ng Con-Com ang ayon kay Lagman ay Very Powerful 10 Member Federal Transition Commission na pinamumunuan ng Pangulong Duterte.