Naniniwala ang Malakaniyang na ang mga kalaban ng administrasyon ang nasa likod ng mga nakitang nagkalat na tarpaulin kung saan nakalagay ang “Welcome to the Philippines, Province of China”
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malaking kalokohan ang mensaheng nakasaad sa tarp dahil kailanman ay walang balak na isuko ng pamahalaan ang alinmang teritoryo ng Pilipinas.
Samantala, itinuturing naman ng maritime expert na si Jay Batongbacal na isang uri ng protesta sa pamahalaan ang mga naispatang tarp sa ilang overpass sa Metro Manila.
Sinabi pa ni Batongbacal na ang paglalagay ng ganitong klaseng mensahe sa tarp ay nagpapakita umano ng kawalan ng suporta at respeto sa kasalukuyang administrasyon.
Nag viral na tarp – ang “Welcome to the Philippines, Province of China”
Nag-viral sa socia media ang ilang nakasabit na tarpaulin kung saan nakasulat dito ang “Welcome to the Philippines, Province of China”
Kasabay ito ng anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral ruling kontra China hinggil sa usaping maritme rights sa West Philippine Sea.
Isa sa mga nakitang tarp ay nakasabit sa foot bridge sa Quezon City na agad ring binaklas ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos mainis ang ilang sa mga nakakita nito at hiniling na alisin.
Bukod dito, natagpuan rin ang pulang tarp sa southbound lane ng C-5 road at malapit sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.
Magugunitang, nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isa sa kaniyang talumpati nuong Pebrero ang pabirong pahayag na maaaring maging probinsya ng China ang Pilipinas.