Binuweltahan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang tagapagsalita ng Malakanyang na si Presidential Spokesman Harry Roque.
Ito’y makaraang susugan ni Roque ang naging pahayag ni pPangulong Rodrigo Duterte na hindi siya maaaring palitan sa puwesto ni Robredo dahil sa pagiging incompetent nito.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, legal adviser ni Robredo, kung matatawag na incompetent ang limang taon sa pulitika ni Robredo, ano pa aniya ang matatawag kay Roque na dalawang taon pa lamang sa pwesto.
“Pero kailangan po nating alalahanin na before that, napakahaba po ng panahon niyang pinaglingkod bilang abogado, naging PAO lawyer po siya pagkatapos po nun naging lawyer po siya ng isang legal NGO na nagbibigay ng tulong. By that standard, si Mr. Roque po dalawang taon pa lang nasa gobyerno yan eh di incompetent pa siya”.
Kasunod nito, ipinaliwanag ni Gutierrez ang naging pahayag ni Robredo hinggil sa kahandaan nitong pamunuan ang oposisyon.
“Ang kanyang posisyon will always be kung merong kailangan punahin sa ginagawa ng gobyerno at sa tingin niya’y mali, gagawin niya, kung sa tingin naman niya ay merong kapuri-puri, ay susuportahan niya. So, ang gusto naman po kasi ni VP Leni, oposisyon not for the sake lang ng pag oppose o pagtutol pero nakabatay doon sa aktwal na pagkilala kung tama ba o mali”.
(From Sapol Interview)