Nagkasundo ang North at South Korea na magsagawa ng mga reunion ng mga magkakamag anak na pinaghiwalay ng Korean war noong 1950 hanggang 1953.
Ayon sa South Korea, ang unang reunion ay itinakda sa darating na October 20 hanggang 26.
Magugunitang noong isang buwan ay tinapos na ng 2 bansa ang kanilang alitan hinggil sa kanilang border.
By: Judith Larino