Halos apat na oras na nagpalutang-lutang ang 21 pasahero bago tuluyang nasagip ng mga rumespondeng rescuer, matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Bayan ng Sta. Magdalena sa lalawigan ng Sorsogon.
Ayon sa mga otoridad, agad silang nagkasa ng rescue operation makaraang tumawag at mag-text sa kanilang mga kaanak ang ilang pasahero ng bangka.
Dinala na sa pagamutan ang 21 survivors at isinasailalim na ngayon sa medical check up.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing insidente.