Aabot na sa 20,550 drug surrenderees ang nabigyan ng libreng training skills at nagtapos sa TESDA o Techincal Education and Skills Development Authority.
Ayon kay TESDA Director General Secretary Guilling Mamondiong, sumailalim ang mga ito sa iba’t ibang pagsasanay sa loob ng dalawang taon simula nang ikasa ang kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan noong 2016.
Kabilang sa mga kursong kinuha ng mga nagbalik loob na mga adik ay driving, cookery, automotive servicing, bread and pastry production, heavy equipment operation, carpentry, masonry, food and beverage services, wellness, steel fabrication, at iba pa.
Naniniwala si Mamondiong na sa pamamagitan ng skills training at livelihood assistance ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga drug surrenderees na magbago, magkaroon ng trabaho at oportunidad na maging empleyado.