Hinamon ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga nag-aakusa sa kanya ng katiwalian na sampahan na lamang siya ng kaso.
Kumbinsido si Bello na ang mga alegasyon ng katiwalian laban sa kanya ay naglalayong harangin ang kanyang aplikasyon na maging Ombudsman.
Una rito, pinagbibitiw ni Alie Dizon ng Samahang Pagbabago National Movement for Change si Bello dahil sa di umano’y pangingikil sa mga employment agencies.
Tinukoy ni Dizon ang affidavit ni Azizzah Salim, may-ari ng employment agency na nag-akusa kina Bello at Labor Undersecretary Dominador Say ng pangingikil ng halos 7 milyong piso.
Ayon kay Bello, sinabi sa kanila ni Azizzah sa isang pulong sa Malacañang na hindi siya ang naghanda ng affidavit at pinapirmahan lamang ito sa kanya.
—-