Patay ang isang kumander ng Moro National Liberation Front o MNLF at isa pa sa bayan ng Midsayap sa North Cotabato.
Kinilala ang mga biktima na sina Datu Lumambok Mananimbong, ang division kumander ng MNLF sa Central Mindanao at Bert Aran Camen.
Ayon kay Police Superintendent Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, binaril ang mga biktima ng riding in tandem sa harap ng hall of justice sa national highway sa barangay Sadaan sa naturang bayan.
Agad namang nakatakas ang mga suspek matapos gawin ang krimen.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpaslang sa mga biktima.
—-