Pasok sa official shortlist ng Judicial and Bar Council o JBC ang tatlong aplikante na pagpipilian na maging susunod na Ombudsman.
Ayon sa ulat ng DWIZ Patrol, nanguna sa listahan si Supreme Court Associate Justice Samuel Martires na nakakuha ng anim (6) na verdict votes, pumangalawa si dating Sandiganbayan presiding justice at ngayo’y Ombudsman special prosecutor Edilberto Sandoval na may limang (5) boto at si Atty. Felito Ramirez na nakakuha ng apat (4) na boto.
Samantala, na-disqualify naman si Labor Secretary Silvestre Bello III para sa posisyon dahil na rin sa nakabinbing kaso nito sa Presidential Anti-Crime Commission.
Matatandaang, umabot sa sampung aplikante ang naghain ng kanilang interes para sa nasabing posisyon kasunod na rin ng nakatakdang pagreretiro ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hulyo 26. —AR
(Ulat ni Bert Mozo / Patrol 3)