Tutol ang National Citizen’s Movement for Free Elections o NAMFREL sa isinusulong na “no – election scenario” ni House Speaker Pantaleon Alvarez para sa susunod na taon.
Ayon kay NAMFREL Secretary-General Eric Jude Alvia, dapat sundin ang nakasaad sa saligang batas na magkaroon ng eleksyon kada tatlong taon.
Dagdag pa ni Alvia, hindi pa din tiyak ng kongreso kung pabor ang mga pilipino sa pederalismo lalo na’t lumabas sa survey na isa lang sa apat na mga pilipino ang nakakaalam ng Federal system of government.
Giit pa ng opisyal, dapat hindi madaliin at pag – aralang mabuti ng mga mambabatas ang isinusulong na pagpapalit ng porma ng gobyerno para sa kapakanan ng mga Pilipino.