Nagpatupad ng pansamantalang tigil-putukan ang Hamas at Israel ayon sa tagapagsalita ng Palestinian organization.
Sinasabing ikinasa ang kasunduan makaraang sumiklab ang panibagong karahasan sa isang demonstrasyon sa gaza na ikinasawi ng apat katao.
Una nang ini-ulat ang pagkakapatay ng Israeli forces sa isa pang palestinian na kasama sa mga nagpoprotesta sa gaza strip kahapon.
Magugunitang nagsimula ang kaliwa’t kanang protesta noon pang Marso 30 kung saan pumalo na sa mahigit 100 palestinians ang namatay habang mahigit 16,000 rin ang mga nasugatan.