Handa ang Pilipinas na tumulong sa mga refugee na galing sa bansang Syria.
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Benigno Aquino III na nagbanggit na minsan na ring tumulong ang Pilipinas sa mga asylum-seeker sa mga nagdaang panahon.
Isa na doon ang may 2,700 Vietnamese boat people noong 1970s.
Noong panahon ng holocaust sa Nazi Germany, kumumkop din ang Pilipinas ng may 1,200 European Jewish refugee.
Sinabi ni Aquino, pinatutunayan ng kasaysayan na laging bukas-palad ang Pilipinas sa nangangailangan ng kanlungan.
DFA: Dapat tayong makiisa
Ang pagiging signatory sa UN Convention on Refugees.
Ito ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose ang commitment ng bansa kaya’t dapat na pansamantalang kupkupin ng Pilipinas ang mga refugee habang hinihintay ang resettlement ng mga ito.
Sinabi ni Jose na dapat lamang makiisa ang Pilipinas sa pagtulong sa refugees lalo na’t wala ring sawa ang pagtulong ng international community sa mga biktima partikular ng bagyong Yolanda.
Hinihimok ng United Nations Refugee Agency ang European Union na tanggapin ang 200,000 asylum seekers mula sa Syria, Iraq at Afghanistan na nakikipag-sapalarang maglayag sa Mediterranean Sea patungong Europe para takasan ang kaguluhan sa kanilang bansa.
By Avee Devierte | Judith Larino
Pgot Credit: theguardian.com