Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP si Pangulong Rodrigo Duterte na ilatag sa kanyang SONA ang tunay na estado ng bansa.
Ayon kay Manila Auxilliary Bishop Broderick Pabillo, Chair ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, hindi lamang dapat mga achivement ng administrasyon ang ibida nito kundi maging ang kabiguan nito sa ilang aspeto.
Kaugnay nito, umaasa rin ang ilang labor group na magiging totoo ang Pangulo sa kanyang magiging ulat partikular ang estado ng mga manggagawa sa bansa.
Para sa Buklurang Manggagawang Pilipino, dapat na ihayag ng Pangulo ang tunay na kondisyon ng mga manggagawang pIlipino sa halip na ibida ang kanyang sarili at nagawa ng kanyang administrasyon.
Nanawagan naman ang grupong Nagkaisa na aksyunan ng Pangulo ang matagal nang problema sa kontraktuwalisasyon at mataas na presyo ng mga bilihin.
—-