Pormal nang nagbukas ang ikatlo at huling regular na sesyon ng ika-labing pitong Kongreso.
Pinangunahan ni Senate President Vicente Sotto III ang pagbubukas ng sesyon sa Mataas na Kapulungan, ang kanyang kauna-unahan bilang Senate President.
Sa kanyang talumpati, iginiit ni Sotto ang kahalagahan ng Senado sa pagbuo ng batas lalo na sa pag-amyenda sa konstitusyon.
Iginiit ni Sotto na sakaling matuloy ang constituent assembly sa pag-amyenda sa konstitusyon, kailangang hiwalay ang magiging botohan ng Mababa at ng Mataas na Kapulungan.
Samantala, inilatag naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga accomplishment ng House of Representatives sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Ipinagmalaki ni Alvarez ang isandaan at tatlumpu’t tatlong (133) panukala na kanilang naisabatas.
Kabilang dito ang TRAIN, mental health, ease of doing business, security of tenure, dagdag na budget para sa Department of Education at iba pa.
(Ulat nina Cely Bueno at Jill Resontoc)