Patay ang 20 Indian nationals na karamihan ay mangingisda sa panibagong air strikes ng Saudi-led Arab coalition laban sa mga fuel smugglers sa Yemeni port.
Patuloy naman ang pagdating ng mga foreign troops para palakasin pa ang kampanya laban sa Houthi forces.
Sinabi ng Houthi-run state news agency Saba na 15 pa ang napatay sa air strikes sa Sanaa.
Ayon sa medical sources 15 sibilyan ang napatay sa kaparehong pag-atake noong Lunes.
Patuloy ang air strikes sa Sanaa at iba pang bahagi ng bansa simula noong Biyernes, nang tumama ang isang Houthi missile na kumitil ng 60 Saudi, Bahraini at United Arab Emirates army sa kampo ng militar sa east ng Sanaa.
By Mariboy Ysibido