Naghain na ng motion for reconsideration o MR ang Australian missionary na si Sister Patricia Fox sa Bureau of Immigration o BI.
Kaugnay ito ng deportation order na ipinalabas ng BI laban kay Sister Fox.
Sa kanyang mosyon, muling iginiit ni Sister Fox na hindi iligal ang kanyang partisipasyon sa isang aktibidad at pagpapahayag lang aniya ito ng karapatan para sa malayang pamamahayag at sumasa sa isang mapayapang pagtitipon-tipon.
Binigyang diin pa sa mosyon na lahat ng mga ginagawa ni Sister Fox ay bahagi ng kanyang tungkulin bilang misyonaryong nakatalaga sa Pilipinas.
Magugunitang, ipinag-utos ng BI ang pagpapa-deport at pagpapa-blacklist kay Sister Fox matapos naman punahin ni Panglong Rodrigo Duterte ang umano’y pagdalo nito sa isang kilos protesta kontra pamahalaan.
—-