Hindi kuntento ang grupong Associated Labor Unions–Trade Congress of the Philippines sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay ito sa regularisasyon ng tinatayang 300,000 manggagawa na ipinagmamalaki ng Department of Labor and Employement o DOLE.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay, isang mapanlinlang na impormasyon ang ipinarating ng DOLE kay Pangulong Duterte.
Karamihan aniya sa mga contractual worker ay ini-re-regular sa pamamagitan ng third-party human resource companies o mga agency at hindi ng mga kumpanyang kanilang pinagta-trabahuhan.
Bagaman lugi ang mga manggagawa sa ganitong sistema dahil wala silang job security, welcome naman aniya sa ALU-TUCP ang pag-amin ni Pangulong Duterte na hindi pa niya tuluyang natutupad ang kanyang mga pangako noong kampanya na tuldukan ang kontraktuwalisasyon.
—-