Naging isang tropical storm na ang tropical depression na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Ayon sa PAGASA huli itong namataan sa layong 1,515 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon.
May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.
Hindi naman inaasahan na tatama sa kalupaan ang naturang bagyo.
Gayunman palalakasin nito ang habagat na nagpapa-ulan sa Gitnang Luzon, Southern Luzon at buong Visayas.
—-