Itinuturing na pinakamapanganib na bansa sa Asya ang Pilipinas para sa mga nagtatanggol sa kalikasan at land activists.
Batay sa datos ng Global Witness, isang international watchdog, apatnapu’t walong (48) environmental campaigners ang pinatay sa Pilipinas noong 2017.
Ayon sa Global Witness, halos kalahati ng mga pagpatay ay maiuugnay sa pakikipaglaban sa agri-business at karamihan ay nangyari sa Mindanao.
Mayroon rin umanong nakalap na ebidensya ang Global Witness na 56 porsyento ng mga pagpatay ay kagagawan ng mga pulis at sundalo.
Ang Pilipinas ay pumapangalawa sa Brazil sa hanay ng mga bansa sa buong mundo kung saan marami ang napatay na tagapagtanggol ng kalikasan.
Limampu’t pito (57) ang naitalang napatay sa Brazil noong nakaraang taon.
Sa kabuuan ay mayroong dalawandaan at pitong (207) land activists ang napatay noong 2017 sa iba’t ibang panig ng mundo.
—-