Nagsimula nang umusad sa Senado ang panukalang anti-dynasty bill.
Inilatag ni Senador Francis Pangilinan, Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ang committee report 367 o anti-political dynasty bill.
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Pangilinan na nakita ng bansa ang masamang epekto ng political dynasty hindi lamang noong panahon ni dating Ferdinand Marcos kung di maging pagkatapos ng EDSA People Power revolution.
Tinukoy pa ni Pangilinan na batay sa pag aaral, mula noong 2007 hanggang 2016 ay mas dumami pa ang mga nanunungkulang opisyal mula sa political clans at matatagpuang umiiral ito sa mga lugar na pinakamahihirap sa bansa.
Aniya, mahalagang ma-kontrol ang dinastiya sa pulitika para na rin sa resources ng gobyerno.
—-