Magpapatupad ng gun amnesty program ang Philippine National Police o PNP sa Setyembre.
Ito’y kung saan bibigyan ng pagkakataon ang mga nagmamay-ari ng loose firearms na makapag-apply ng lisensya.
Ayon kay PNP Firearms and Explosive Office Director Chief Superintendent Valeriano de Leon, kanila pang isinasaayos ang detalye ng naturang amnesty program.
Sa datos ng PNP, nasa 1.8 milyong baril ang nakarehistro sa buong bansa habang 1.2 milyon dito ang hindi na nai-renew.
Sa ilalim ng gun amnesty program, kinakailangan munang magpa-blotter ng may-ari at humingi ng permit para maibiyahe patungong istasyon ng pulis ang hindi lisensyadong baril.
Ang mga loose firearm na ito ay isasalang sa forensic at ballistic exam at ang resulta ay isusumite naman sa registration committee para sa pormal na pagpaparehistro.
—-