Bigo pa ring makalusot sa Senado ang panukalang 1.16 billion pesos supplemental budget para sa mga batang naturukan ng anti- dengue vaccine na Dengvaxia.
Ayon kay Senadora Loren Legarda, may-akda ng Senate Bill no. 7499, mahalagang maipasa ang panukala para mabigyang tulong pinansyal ang mga pamilya ng mahigit walongdaang libong (800,000) batang nabakunahan ng Dengvaxia.
Binigyang diin pa ni Legarda, isa ito sa mga panukala na sinertipikahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinakamalaking bahagi ng supplemental budget ay ilalaan sa “medical assistance program” para sa mga naturukan ng Dengvaxia na may kabuuang halaga na siyamnaraan at apatnapu’t limang (945) milyong piso.
—-