Nanganganib na bumagsak sa limampu’t anim na piso (P56) ang katumbas ng isang dolyar sa susunod na taon.
Ayon kay Alice Fulwood ng UBS, isang Swiss investment bank, bunga ito ng lumalalang tensyon sa trade war ng Amerika at ng China.
Maaari anyang magresulta sa mas matatag na dolyar ang pagpapataw ng taripa ng Amerika sa mga produkto ng China kaya’t lalong liliit ang halaga ng piso.
Huling umabot sa 56 pesos ang halaga ng isang dolyar ay noong 2004 nang makaranas ng fiscal crisis ang Pilipinas.
—-