Opisyal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang Bangsamoro Organic Law.
Ito ang inanunsyo ng Punong Ehekutibo matapos ang naging pahayag sa kanyang State of the Nation Address o SONA noong Lunes na agad na pipirmahan ang final draft ng batas.
Ayon kay Duterte nakatakda pa siyang makipag-usap sa liderato ng Moro Islamic Liberation Front o MILF gayundin kay Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari.
“Signed na ang BBL, but I’m still going back because I have a ceremony with Jaafar and Murad,” Pahayag ni Pangulong Duterte
“And also I’d like to talk to Nur so that we can have it by the end of the year. I can create also just like an autonomy for him if that’s what he wants, and pending the federal system implementation he can just wait for it if he trusts me.”
Inaasahang magbibigay daan ang BOL para sa mas malawak na pamamahala ng Muslim minority sa Mindanao gayundin sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa buong rehiyon.
Ang Bangsamoro law ay isa sa mga naging priority bills ni Pangulong Duterte, ang unang Pangulo na mula sa Mindanao.
Matatandaang tiniyak din ng Kongreso ang constitutionality ng nasabing panukala matapos na mapagtibay sa Bicam at mapagkasunduan ang mga kuwestyon sa ilang probisyon nito. —AR
—-