Umaasa ang Liberal Party o LP na hindi magpapagamit sa sinuman ang bagong talagang Ombudsman na si Supreme Court Associate Justice Samuel Martires.
Ayon kay LP President at Senador Kiko Pangilinan, tiwala silang mapamumunuan ni Martires ang tanggapan ng Ombudsman nang buong katapatan at hindi pahihintuluan ang anumang pag-abuso at katiwalian ng mga pampublikong opisyal.
Umaasa rin silang patuloy na hahabulin ni Martires ang mga tiwaling opisyal sa pamamagitan ng paghahain ng kasong may matibay na ebidensya.
Si Martires ang unang itinalagang mahistrado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema at nanungkulan din bilang Sandiganbayan justice.
—-