Pormal na nanumpa ang umano’y mga bagong opisyal ng ruling party na PDP-Laban partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan.
Sa isinagawang national assembly ng partido sa Quezon City, pormal na iniluklok ng grupo si Rogelio Garcia bilang Pangulo at Willie Talag bilang secretary general umano ng partido kapalit nila Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III at dating Speaker Pantaleon Alvarez.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Garcia na aping-api na umano ang mga tunay na miyembro ng PDP-Laban na hindi pinapansin ng mga nasa matataas na posisyon.
Naganap na eleksyon, hindi awtorisado
Samantala, minaliit nina Pimentel, Alvarez at Vice Chairman nito na si Energy Sec. Alfonso Cusi ang nasabing pagtitipon sabay giit na iligal at hindi kinikilala ng partido ang mga nanumpang opisyal.
Dagdag pa ni Pimentel, siya pa rin ang tumatayong presidente ng partido.
As the president of PDP-Laban, this is an unauthorized event… Unofficial, unauthorized, rogue assembly using the name of PDP-Laban. Pahayag ni Pimentel
Kabilang sana sa mga inaasahan ng grupong nagtipon sa Amoranto stadium sa Quezon City si dating Pangulo ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo subalit hindi ito dumating.
Mga bagong opisyal ng ruling party na PDP-Laban, pormal nang nanumpa sa isinagawang National Assembly sa Quezon City | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/Eniezayc2B
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 27, 2018