Nasaksihan kaninang madaling araw ang isang total lunar eclipse.
Sa pagkakataong ito, nagkulay pula ang buwan kaya’t tinatawag din itong “blood moon”.
Ayon sa PAGASA, ito ang longest lunar eclipse ng 21st century na tumagal ng mahigit isang oras.
Maliban sa Pilipinas, nasaksihan rin ang blood moon sa Antarctica, iba pang bahagi ng Asya, Australasia, Russia at ilang bahagi ng Africa, Europa at silangang bahagi ng South America.