Tinatayang nasa 50,000 mga tagasuporta ng MILF o Moro Islamic Liberation Front ang dumalo sa ginawang Bangsamoro Consultative Assembly sa lalawigan ng Maguindanao.
Ginawa ang naturang pagtitipon sa Camp Darapanan sa Sultan Kudarat na nilahukan din ng mga opisyal gayundin ng mga residente ng ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon kay Bangsamoro Transition Commission Chairman Ghadzali Jaafar, layon nitong ipaliwanag sa Bangsamoro ang nilalaman ng nilagdaang BOL o Bangsamoro Organic Law ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito, mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa lugar kung saan, libu-libong MILF, militar at pulisya ang ipinakalat sa lugar.