Nakatakdang maghain ng petisyon na humihiling ng clemency ang kampo ng akusadong si Fransisco Juan “Paco” Larrañaga, isa sa pitong mga akusado sa Chiong rape-slay case noong 1997.
Ito’y matapos ang apela ng publiko partikular ang online petition na palayain si Larrañaga sa paniwalang inosente ito sa kaso.
Ayon kay Atty. Sandy Coronel, abogado ni Paco, umaasa silang diringgin ni Pangulong Duterte ang kanilang hiling lalo’t halos 20 taon ng nakapiit ang pitong akusado.
Hiniling din ni Coronel sa Pangulo na silipin ang posibleng kaugnayan ng ama ng Chiong sisters na si Dionisio sa illegal drugs kabilang sa umano’y big-time drug lord na si Peter Lim.
Naungkat ang Chiong rape-slay case dahil sa kontrobersyal na pelikulang “Jacqueline Comes Home” na hango sa istorya ng pagpatay sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong sa Cebu City noong 1997.
—-