Binabantayan ngayon ng PAGASA ang isang bagong low pressure area o LPA sa silangang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang naturang sama ng panahon sa eastern boundary sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Samantala, patuloy namang makakaapekto ang southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ang Western Visayas at hilagang bahagi ng Palawan ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.
—-