Unti-unti nang namamatay ang Naboc River sa Moncayo, Compostela Valley Province bunsod ng large-scale mining operations sa Mount Diwalwal.
Ito, ayon kay Monkayo Mayor Ramil Gentuyaga, ay dahil sa kulay brown na tubig na pinagtatapunan ng lahat ng chemical waste tulad ng mercury mula sa mga planta.
Kabilang ang Diwalwal sa mga binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA na lubhang naapektuhan ng mining operations.
Bukod sa mercury, ginagamit din ang cyanide sa pag-proseso ng ginto mula sa naturang bundok at dinadala sa barangay Mount Diwata kung saan itinatapon ang wastewater patungo sa ilog.
Dahil dito, plano aniya ng local government sa tulong ng Department of Environment and Natural Resources o DENR at Philippine Mining Development Corporation na i-relocate ang processing area at linisin ang Naboc River.
—-