Aprubado na ng Bicameral conference committee ang panukalang Coco levy fund.
Ito ay kasunod na rin ng pagbanggit at ihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA o State of the Nation Address kamakailan ang Coco levy trust fund bill.
Ayon kay Senate Committee on Agriculture Chairman Cynthia Villar, tumagal lamang ng dalawang oras ang Bicam sa panukalang Coco levy fund.
Sinabi ni Villar, pakikinabangan ng nasa P3.5 million na mga magsasaka ng niyog at kani-kanilang pamilya ang Coco levy fund kung saan mabibigyan pa ng scholarship ang kanilang mga anak.
Tinatayang nasa P100 billion na Coco levy fund ang i-invest o ipapasok sa treasury bills.
Hindi na rin lilikha ng Special Committee na mangangasiwa rito at sa halip mananaliti na lang ito sa PCA.