Pinataob ni World’s Number One Serena Williams ang sariling kapatid nitong si Venus sa kanilang pagtutuos sa US Open.
Dahil dito pasok na sa semi finals si Serena makaraang talunin ang kanyang nakatatandang kapatid sa iskor na 6-2, 16 at 6-3.
Magkahalong emosyon naman ang naramdaman ni Serena sa pagkakataong iyon.
Ayon kay Serena, bagamat matalik na kaibigan ang turing niya kay Venus ay kailangan niyang mag-focus at manalo upang mapalapit sa target nitong ika-apat na grandslam championship title para ngayong taon.
Makakalaban sa semi finals ng nakababatang Williams ang unseeded Italian na si Roberta Vinci.
By Ralph Obina