Itinuro ng Philippine National Police o PNP sa Masbate ang New People’s Army o NPA na siyang nasa likod ng pagsabog sa pier ng Masbate City.
Ayon kay Senior Superintendent Floran Navarosa, hepe ng PNP Masbate Provincial Office, ang NPA sa kanilang lalawigan ang karaniwan nang gumagamit ng improvised explosive device o IED sa kanilang mga operasyon.
Gayunman, kumbinsido si Navarosa na gusto lamang magparamdam o nagpapapansin lamang ang NPA kaya nila ginawa ang pagpapasabog.
“Kapag may opportunity tsaka sila nag-i-istrike, tuloy-tuloy po ang ating opensiba dito kasama ang ating Philippine Army kaya ramdam nila ang pressure ng ating security forces, parang they are just making statement, hindi ‘yun intended para sa tao, doon sa pier nilagay sa may hagdanan sa paanan kung saan dumadaong ang mga motorized banca, and then ‘yung oras na paglagay niya is around 11:00 ng gabi, so wala pong tao doon.” Pahayag ni Navarosa
(Ratsada Balita Interview)