Dinagdagan pa ng Philippine National Police o PNP ang kanilang mga tauhan na nakatalaga sa mga pangunahing bus terminal sa lungsod.
Ito ay matapos itaas sa heightened alert ang buong Metro Manila kasunod ng naganap na pagsabog sa Lamitan, Basilan.
Ayon sa Quezon City Police District, layon nilang matiyak na ligtas ang mga pasahero at ang publiko sa anumang posibleng banta ng terorismo o karahasan.
Tutulong ang mga pulis sa pagche-check ng mga bagahe ng mga pasahero at pag-iinspeksyon sa loob ng mga bus.
Nagtayo na rin ang PNP ng assistance desks sa bawat bus terminal, kung saan maaaring magsumbong ang mga pasahero sakaling may makita silang kahina-hinalang tao, kilos o bagay.
—-