Inamin ni Robi Domingo na may dini-date siya ngayon na isang non-showbiz girl.
Ito ay nangyari mahigit isang taon matapos ang napabalitang hiwalayan nila ng dating volleyball player at ngayo’y TV host na si Gretchen Ho.
Ayon kay Robi, ayaw muna niya masyado mag detalye ng mga pangyayari sa kanyang lovelife dahil gusto muna niya ito manatiling pribado.
Pero ayon kay Robi, very unexpected ang mga pangyayari at mas masaya at better ang kanyang buhay pag-ibig ngayon.