Nakalabas na ng bansa ang anak ni Janet Lim Napoles na kabilang sa mga sangkot sa money laundering case sa Amerika.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, lumabas ng bansa si Jeane Catherine nuong july 27, limang araw bago ang indictment ng pamilya Napoles sa US Grand Jury.
Hindi naman batid kung saan ang destinasyon ng naturang anak ni Napoles.
Ipinabatid ni Guevarra na ang iba pang anak ni Napoles na sina Jo Christine at James Christopher gayundin ang kapatid nitong si Reynald Lim at asawang si Ana Marie ay nasa Pilipinas pa.
Sinabi ni Guevarra na sakaling hilingin ng Amerika ang extradition ng mga ito at wala namang kinakaharap na kaso dito sa Pilipinas i-eevaluate nila at gagawin ang tamang proceedings.