Hiniling umano sa Diyos ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapunta sa langit ang mga biktima ng extrajudicial killings o EJK.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang talumpati sa Malaybalay City, Bukidnon kung saan ay muli niyang binanatan ang mga human rights advocates na bumabatikos sa giyera kontra droga ng pamahalaan.
Pabirong sinabi rin ng Pangulo na ang pagpunta sa langit ang hiniling niyang kapalit ng mga nasawi sa umano’y EJK.
You enjoy your human rights there in heaven. Kasi God promised that lahat ng extrajudicial killing victims, you will go to heaven. Iyan ang hiningi ko sa Diyos. Sabi naman ng Diyos, “Puwede..” Gagawin ko ba iyan kung walang guarantee? Kasi kaawa naman. Magdrodroga ka tas impyerno ka. Pahayag ni Duterte
Samantala, nagpahayag din ang Pangulong Duterte na handa siyang mapunta sa impiyerno… ang problema nga lang aniya ay hindi siya naniniwalang mayroon ngang impiyerno.
Reserve the hottest place for me.. and may I burn till eternity. Why would God create an oven for his creation? I said I have a God but it is not your stupid God. Paliwanag ni Duterte
Samantala, hindi rin napigilan ng pangulo ang kanyang hinanakit sa estados unidos sa panahon ni dating US president Barack Obama dahil din sa pagbatikos sa war on drugs ng pamahalaan.
Iginiit ng Pangulo na walang karapatan ang mga dayuhan na diktahan ang gobyerno ng Pilipinas sa mga nais nitong ipatupad na pagbabago sa bansa.
The western countries, they are trying to impose their value… kaya ako nagalit sa kanila. And for President Obama to criticize me in a press conference about the records of human rights was something that is not so good, nakakainsulto. Para sa akin Pilipino ako, why do you criticize me in a press briefing? Kaya I fire back, sabi ko stop talking you son of a b****. You are an idiot. Dagdag ni Duterte
Duterte, walang ikakampanya sa 2019 elections
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala itong ikakampanya na sinumang kandidato para sa 2019 midterm elections.
Sa inagurasyon ng rehabilitation center sa Malaybalay City, Bukidnon, muling ring tiniyak ng Pangulo na hindi na siya tatakbo pa sa anumang posisyon sa gobyerno matapos ang kanyang termino sa 2022.
Paliwanag ng Pangulo, handang handa na siyang magretiro sa pulitika.