Nanawagan ang Chamber of Mines of the Philippines sa pamahalaan na magsagawa ng konsultasyon mula sa kanilang hanay bago aprubahan ang ilang probisyon ng panukalang package 2 ng TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.
Ito’y ayon kay Chamber of Mines Executive Director Ronald Recidoro ay kasunod ng pangambang patawan ng 5% royalty tax ang operasyon ng lahat ng mga minahan sa ilalim ng nasabing panukala.
Giit ni Recidoro, lubhang maaapektuhan ang sektor ng pagmimina kung isasali ang nasabing probisyon sa panukala dahil madadagdagan pa ang kanilang bayarin.
Maliban pa ito sa ibinibigay na corporate income tax, business tax at ayuda ng mga mining companies sa mga apektadong katutubo o indigenous peoples sa mga mining sites.