Nagliyab ang isang eroplano ng British Airways habang nasa himpapawid na patungo sana ng London Gatwick Airport.
Ayon sa ulat, nagliyab ang isang makina ng Boeing 7-7-7 dahilan upang mag-emergency landing ang eroplano sa Las Vegas airport.
Sakay ng naturang eroplano 159 na pasahero at 13 crew members.
Dalawa ang napa-ulat na nagtamo ng minor injuries na agad namang nilapatan ng lunas sa paliparan.
Agad ding naapula ang sunog ng mga rumespondeng bumbero.
By: Ralph Obina