Nananatiling kuntento ang mayorya ng mga Filipino sa performance ng Duterte administration.
Batay sa Social Weather Stations o SWS survey noong June 27 hanggang 30 sa isanlibo dalawandaang (1,200) respondents, nakakuha ng “very good” satisfaction rating ang administasyon.
Katumbas ito ng 72 percent o positive 58 habang umabot sa 13 percent ang hindi kuntento.
Nanatiling maganda ang net satisfaction rating ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao na kanyang home region kung saan umabot sa positive 76 ang marka noong Hunyo kumpara sa positive 72 noong Marso; positive 54 o very good sa balance Luzon noong Hunyo kumpara sa positive 50 noong Marso.
Gayunman, bumagsak ang rating ng administrasyon sa Metro Manila na positive 47 mula sa positive 58.
—-