Isa si Senador Francis Escudero sa libu-libong nabiktima ng matinding trapiko kagabi matapos bumuhos ang malakas na ulan.
Ayon kay Escudero, inabot siya ng tatlong oras patungong Corinthian mula Makati City at halos isang oras siyang na stuck sa matinding trapiko sa harap ng Megamall area.
Sinabi ni Escudero na kabilang sa mga nakita niyang problema ang kawalan nang nagmamando sa trapiko kapag malakas ang ulan bukod pa sa mga baradong drainage.
Magugunitang libu-libong commuter ang halos mag-aalas-2:00 na kaninang madaling araw na nakauwi dahil sa sobrang traffic at lakas ng ulan.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)