Muling bumuwelta si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kay dating Pangulong Noynoy Aquino, kaugnay pa rin ito sa naging aksyon ng Aquino administration sa maritime dispute ng Pilipinas at China, noong 2012.
Sa kanyang ikalawang open letter kay Aquino, inakusahan ni Cayetano ang dating Pangulo na nabigong magbigay ng impormasyon sa mga kaganapan at naging desisyon nito na nagresulta sa nakapahirap na sitwasyon.
Ayon sa kalihim, dapat sagutin ni Aquino ang kanyang mga tanong sa halip na “magbigay ng trivia” o magbalik-tanaw sa nakaraan.
Hindi naman anya nakatutulong sa sitwasyon ng taumbayan at gobyerno ang mga hirit ni Aquino na i-google na lamang ng publiko ang mga sagot at pakawalan ang kanyang “attack dog” na si Senador Antonio Trillanes.
Iginiit ni Cayetano na nawala ang kontrol ng Pilipinas sa Scarborough o Panatag Shoal sa ilalim ng administrasyon ni Aquino.
Makalipas naman ang ilang oras, inihayag ni Aquino na masisiwalat ang “playbook at intelligence” ng bansa sa China kung sasagutin niya ang mga tanong ni Cayetano.
—-