Posibleng bumuhos ang malakas na ulan sa Metro Manila, Cavite, Pampanga, Bulacan, Bataan, Zambales, Laguna at Batangas sa susunod na tatlong oras.
Ayon sa PAGASA, ang mga nabanggit na lugar ay makakaranas ng malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin dahil sa thunderstorms.
Dahil dito, pinag-iingat ang lahat sa posibleng epekto ng halos tatlong oras na malakas na ulan tulad ng pagbaha, flashfloods at landslides.
Samantala, ganap nang isang bagyo ang low pressure area o LPA na namataan sa Silangang Luzon.
Ang bagyo na tinawag na Karding ang unang bagyo na nakapasok sa bansa ngayong Agosto at ang ika-labing apat ngayong 2018.
Ayon sa PAGASA, posibleng hindi lumapag sa kalupaan ang bagyong Karding.
May isa pang sama ng panahon ang binabantayan ng PAGASA sa kanlurang bahagi ng Subic Zambales na posible ring maging bagyo.
—-