Nakatakda nang magpalabas ng EO o executive order ang Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa planong localized peace talks sa mga komunistang rebelde.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaprubahan ng Pangulo sa idinaos na cabinet meeting ang draft ng EO na magsisilbing guide ng local government officials sa kanilang pakikipag-usap sa mga rebelde.
Magugunitang una nang inanunsyo ng Palasyo ang guidelines na kinabibilangan ng kumpleto at tunay na resolusyon sa local armed conflict na sasakop sa New People’s Army (NPA), organ ng political power at militia ng bayan at hindi dapat makumpormiso ang integridad at soberanya ng bansa.
Bukod sa localized peace talks, isinusulong din ng gobyerno ang community dialogue, local peace package at confidential dialogue.
—-